^

PSN Palaro

Pogoy out sa SEAG?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng hindi na makalaro pa si Roger Pogoy sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 2019 Southeast Asian Games na pormal nang magbubukas sa Sabado sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay Gilas team manager Gabby Cui, nagtamo si Pogoy ng back injury na mangangaila­ngan ng isang linggong pahinga at ilang linggong rehabilitas­yon para tulu­yang guma­ling.

Dahil dito, posibleng palitan na lamang ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone si Pogoy na pinayuhan ng doktor na magpahinga para mas mapabilis ang paggaling ng kanyang injury.

Nagtamo si Pogoy ng injury sa 98-97 panalo ng Talk ‘N Text laban sa Magnolia Hotshots sa PBA Governors’ Cup quarterfinal match noong Lunes.

Si slotman Greg Slaughter ang maugong na papalit kay Pogoy.

Malalaman pa ito sa SEA Games manager’s meeting sa Disyembre 3.

Maliban kay Slaughter, kabilang pa sa mga posibleng pumalit sina Art Dela Cruz, Scottie Thompson at Gilas Pilipinas veteran Jayson Castro.

Ipagtatanggol ng Pilipinas ang korona nito sa men’s basketball.

vuukle comment

ROGER POGOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with