^

PSN Palaro

Krusyal na panalo puntirya ng

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pakay ng Azkals na makuha ang krusyal na panalo sa pagharap nito sa Myanmar sa pagpapatuloy ng 2019 Southeast Asian Games men’s football tournament ngayong araw sa Rizal Memorial Football Stadium sa Manila.

Magtatagpo ang Pilipinas at Myanmar sa alas-4 ng hapon habang nakatakda naman ang duwelo ng Cambodia at Timor Leste sa alas-8 ng gabi.

Sariwa pa ang Pinoy booters sa 1-1 draw laban sa Cambodia noong Lunes.

Nagsilbing liwanag ng Azkals si substitute midfielder Dennis Chung na siyang kumana ng goal sa huling sadali ng laro upang mahablot ng Pilipinas ang draw.

Nagawa ito ni Chung sa tulong nina Yrick Gallantes at Stephan Shcrock na siyang nagset-up ng play para maitarak ang equalizer.

“I am speechless because this is absolutely amazing,” ani Chung na nag­­lalaro para sa football club sa Zehlendorf, Germany.

Sa katunayan, nakauna ang Cambodia nang itala ni Keo Sokpheng ang unang goal ng visiting team sa ika-41 minuto.

Ngunit naging matibay ang depensa ng Azkals para masawata ang mga pagtatangka ng Cambodia kasunod ang impresibong goal ni Chung.

“He (Chung) is a forward so he is supposed to score goals. While I believe my boys were the better team, the Cambodians played extremely well. But they never gave up so I am proud how they recovered in the second half. Overall it was a good game for us,” ani Azkals coach Serbian Goran Milojevic.

Nauna nang nag-draw ang laban ng Myanmar at Malaysia (1-1) dahilan para maipuwersa ang four-way tie sa Group A hawak ang pare-parehong isang puntos.

vuukle comment

AZKALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with