^

PSN Palaro

Clarkson tinapos ang kamalasan ng cavaliers

Pilipino Star Ngayon
Clarkson tinapos ang kamalasan ng cavaliers

CLEVELAND -- Isinalpak ni Fil-Am guard Jordan Clarkson ang lahat ng anim niyang three-point attempts para umiskor ng 28 points at tulungan ang Cavaliers na talunin ang Portland Trail Blazers, 110-104.

Tinapos ng Cleveland ang kanilang six-game lo­sing slump.

Nagdagdag si Tristan Thompson ng 25 points, habang humakot si Larry Nance Jr., pumalit kay inju­red Kevin Love sa starting lineup, ng 11 points at 12 re­bounds.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na hin­di naglaro si Love, ang lea­ding scorer ng Cavaliers, bu­nga ng kanyang sore back.

Nagbalik naman sa line-up ng Blazers si guard Da­mian Lillard matapos ang back spasms at tumipa ng 23 points.

Nalasap ng Trail Bla­zers ang kanilang ikaapat na sunod na kabiguan at pang-lima sa huli nilang pi­tong laban.

Umiskor naman si CJ McCollum ng 20 points.

Sa Memphis, sinandigan ng Los Angeles La­kers ang malawak nilang eks­peryensa para lusutan ang Grizzlies, 109-108, tam­pok ang driving layup ni James sa huling 1:30 mi­nuto ng fourth period na siyang naging garantiya ng kanilang panalo.

Ito ang pang-pitong sunod na ratsada ng Lakers.

Tumapos si James na may 30 points para sa Los Angeles, habang nag-ambag sina Anthony Davis, Rajon Rondo, Kentavious Caldwell-Pope at Dwight Ho­ward ng 22, 14, 12 at 10 markers, ayon sa pagka­kasunod.

Sa Atlanta, humataw si forward Pascal Siakam ng 34 points at nagdagdag ng 25 markers si VanVleet para tulungan ang Raptors na biguin ang Hawks, 119-116.

Naglista si Norman Po­well ng 20 points para sa ikatlong sunod na ratsada ng nagdedepensang Toronto.

Binanderahan naman ni Trae Young ang Hawks, na­lasap ang ikaanim na di­kit na kamalasan, mula sa kanyang 30 points, 10 re­bounds at 10 assists na pa­ra sa ikalawa niyang ca­reer triple-double.

Sa Salt Lake City, ba­gama’t hindi naglaro si cen­ter Rudy Gobert ay ku­monekta naman si guard Do­novan Mitchell ng anim na 3-pointers para sa kanyang season-high 37 points sa 128-120 panalo ng Utah Jazz laban sa New Orleans Pelicans.

Nag-ambag si Bojan Bog­danovic ng 28 points para sa Utah na hindi nakuha ang serbisyo ni Gobert, may sprained ankle.

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with