^

PSN Palaro

E-Painters ‘di pa bumibitaw

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Sinilat ang Bolts

MANILA,Philippines — Wala pang balak magbakasyon ang mga Elasto Painters.

Bumangon ang Rain or Shine mula sa 13-point deficit sa third quarter para lusutan ang Meralco, 83-81 at makasilip ng tsansa sa eight-team quarterfinal round ng 2019 PBA Go­vernor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humataw si Rey Nambatac ng 24 points mula sa 10-of-13 fieldgoal shooting para sa ikalawang sunod na panalo ng Elasto Pain­ters at itaas ang kanilang baraha sa 4-7.

Nagwakas naman ang five-game winning streak ng Bolts, mayroon nang isa sa apat na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals, para sa kanilang 8-3 kartada.

“Very important sa amin ang game na ito kasi kapag nanalo kami may chance kaming pumasok sa quarterfinals,” sabi ni Nambatac. 

Para makapasok sa quarterfinals ay kaila­ngang ipagdasal ng tropa ni coach Caloy Garcia na matalo ang NorthPort (4-6) sa Barangay Ginebra (6-3) at mabigo ang Alaska (4-6) sa NLEX (8-2).

Itinala ng Meralco ang 13-point lead, 67-54 mula sa split ni Raymond Almazan sa huling 2:07 minuto ng third period hanggang humataw ang Rain or Shine ng 11-0 atake sa likod nina import Richard Ross, Kris Robles at Mark Borboran para agawin ang 71-69 abante sa 6:21 minuto ng fourth quarter.

Naitabla naman ni import Allen Durham ang Bolts sa 71-71 kasunod ang ratsada ni Nambatac para ilayo ang Elasto Pain­ters sa 82-77 sa huling 1:28 minuto ng laro.

Ang dalawang free throws ni Durham at follow-up ni Almazan ang muling nagdikit sa Meralco sa Rain or Shine sa 81-82 sa natitirang 46.3 segundo.

Matapos ang split ni Jewel Ponferada para sa 83-81 bentahe ng Elasto Painters sa nalalabing 34.3 segundo ay nabigo naman sina Durham at Almazan na maitabla ang Bolts sa kanilang huling posesyon.

 

vuukle comment

ELASTO PAINTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with