^

PSN Palaro

Blue Eagles-Tigers simula na ang giyera

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Blue Eagles-Tigers simula na ang giyera
Renzo Subido
UAAP

MANILA, Philippines — Sisimulan ngayon ng top seed at undefeated Ateneo Blue Eagles at No. 4 seed University of Santo Tomas Growling Tigers ang best-of-three Finals series ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Asam ng two-peat champion Blue Eagles ang pang-11 na titulo habang target naman ng Growling Tigers ang ika-19th korona sa men’s division bilang ikalawang most winningest team ng UAAP sa likuran ng FEU Tamaraws na hawak ang 20 titulo.

Maghaharap ang A­teneo at UST Tigers sa Game 1 ng serye sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng engkuwentro ng UST Gol­den Tigresses at FEU Lady Tamaraws sa kanilang do-or-die sa stepladder semis sa alas-12 ng tanghali.

Pumasok ang Blue Eagles sa Finals matapos walisin ang double-round elimination sa 14-0 win-loss kartada kaya dumiretso na sila sa championship round habang ang UST na tumapos sa pang-apat na puwesto sa 8-6 slate ay kailangan pang dumaan sa stepladder semis kung saan pinatalsik muna nila ang No. 3 seed FEU, 81-71 para umabante sa ikalawang stepladder semis match.

Sa huling semis m­at­ch, dalawang beses inilampaso ng UST ang No. 2 seed at twice-to-beat UP Fighting Maroons, ang una ay 89-69 noong Nob­yembre 10 at sinundan ng 68-65 panalo noong Nob­yembre 13 para makopo ang ikalawang Finals berth.

Malaki ring bentahe para sa UST ni coach Aldin Ayo ang mahigit tatlong araw lamang na pahinga mula sa semis kum­para sa mahabang 17 araw na pahinga ng Ateneo mula nang magwagi kontra sa UP noong Oktubre 30.

vuukle comment

ATENEO

UAAP

UST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with