^

PSN Palaro

Phoenix umiskor sa Elite

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Phoenix umiskor sa Elite
Isinalpak ni Wright ang isang three-point shot sa huling 1.2 segundo para tulungan ang Phoenix na resbakan ang Blackwater sa overtime, 120-117 sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Hindi pumayag si shoo­ting guard Matthew Wright na hindi mapabaunan ng panalo ang paretirong si big man Doug Kramer.

Isinalpak ni Wright ang isang three-point shot sa huling 1.2 segundo para tulungan ang Phoenix na resbakan ang Blackwater sa overtime, 120-117 sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng Fuel Masters ang kanilang apat na sunod na kamalasan para sa 3-8 baraha habang nalasap ng Elite ang pang-anim na dikit na kabiguan at isinara ang season sa 2-9.

Sa kanyang pagreretiro ay sinabi ng 36-anyos na si Kramer na gusto niyang bigyan ng tsansa ang mga mas batang big men na makuha ang kanyang posisyon sa Phoenix.

“I don’t want to wait till my body is breaking down, or till mentally I’m drained of the daily routine of training. I’m moving on because I choose to do so,” sabi ng dating sentro ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP.

Ang 6-foot-5 na si Kra­mer ang fifth overall pick ng Air21 noong 2007 PBA Rookie Draft at nakapag­laro para sa Ginebra, Rain or Shine, Barako Bull, San Miguel at GlobalPort bago tapusin ang kanyang PBA career sa Phoenix.

Bitbit ang one-point lead sa halftime, pinalobo naman ng Blackwater ang kanilang kalamangan sa 72-60 sa 3:18 minuto ng third period.

Pumukol ng tatlong sunod na triple si Wright at ang pinakahuli ang nagtabla sa Phoenix sa 109-109 sa nalalabing 3.1 segundo ng fourth quarter patungo sa extra period.

vuukle comment

MATTHEW WRIGHT

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with