^

PSN Palaro

Outcoached

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Umaatikabong bakbakan sa college basketball ang napapanood ng mga die-hard fans.

Sa UAAP, lalaruin bukas ang Game 1 ng best-of-three finals sa pagitan ng undefeated na Ateneo at UST.

Labanan ng mga batang Katipunan at mga batang España.

Sa NCAA naman, lalaruin ngayong araw na ito ang Game 2 ng best-of-three kontra San Beda at Letran.

Mortal na magkalaban.

At sa kada laro, apaw ang tao. Kung ganun lang sana ang crowd sa PBA, mas masaya.

Undefeated din ang San Beda sa elims. Hindi natalo sa 18 games. Pero sa Game 1 ng finals, taob sila sa Letran. Tulala ang mga Bedista.

Hindi pa natin alam kung mananalo na ang Letran o makakabawi ang San Beda na hawak ni coach Boyet Fernandez na parang napagtulungan sa Game 1.

Dumalo kasi sa laro ang mga kaibigan ni Bonnie Tan, ang coach ng Letran. Kabilang na rito si Alfrancis Chua, ang dating coach ng Ginebra at Pido Jarencio, ang coach ng NorthPort sa PBA. Pati members ng PBA board nakasuot ng Letran na t-shirt.

Kitang kita ang suporta nila kay Bonnie at tila nagbibigay din ng instructions mula sa ringside.

Ewan ko lang sa Game 2 kung sino ang tutulong kay coach Boyet. Kailangan niya ng resbak.

Parang me against the world ang tayo ni coach.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with