14 teams bakbakan sa Luzon Cup football tourney
MANILA, Philippines — May 14 koponan ang magbabakbakan sa Luzon Cup football tournament na lalarga mula Nobyembre 21 hanggang 24 sa Tarlac Recreational Park sa San Jose, Tarlac. Nangunguna sa listahan ang Mindanao Cup champion Bukidnon Bukidnon Football Association na sariwa pa sa kampeonato sa Mindanao Leg ng torneong nakalaan para sa boys’ 12-under.
Ang Luzon Cup ang ikatlong yugto ng serye na itinataguyod sa ilalim ng Negros Occidental Football Association (NOFA) “Football Para sa Lahat”’ program.
Nauna nang idinaos ang NOFA Cup noong Mayo sa Bacolod at Mindanao Cup noong Oktubre sa Davao City.
“Under Football Para Sa Lahat, we want more kids to fall in love with sports by giving them more opportunities to play football at a higher level,” ani NOFA President Ricky Yanson.
Maliban sa Bukidnon, sasabak din ang pambato ng Luzon mula sa Cordillera Region, Camarines Norte, Naga City, Laguna, Masbate, Pangasinan, La Salle Greenhills, Tuguegarao, National Capital Region at Central Luzon.
Suportado naman ng PSC ang naturang grassroots development program.
- Latest