^

PSN Palaro

Filipino Flash

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Saludo ako sa tibay at tapang na pinakita ni Nonito Donaire Jr. laban kay Naoya “The Monster” Inoue sa Saitama, Japan ilang gabi lang ang nakalipas.

Marami ang nagsabi na hindi tatagal si Nonito. Sa edad na 36, sampung taon ang tanda niya kay Naoya.

Underdog si Nonito (10-1) at may mga nagsabi pa na matutulog siya sa first round. Sa pustahan, kaila­ngan mo magbuhos ng $1,000 kay Naoya para lang tumama ng $100. Kay Nonito naman, magiging $600 at $100 mo kung siya ang nanalo.

Ganun kadehado ang bata natin.

Nanalo si Naoya ng unanimous decision. Pero first time sa buhay niya na napalaban siya ng husto.

Putok ang kilay ni Naoya sa second round pa lang. At sa third round, dumudugo na rin ang ilong niya.

Mabibigat din ang pinatama niya kay Nonito. At sa super-slomo, akala mo eh lilipad pati ang tenga ng manok natin.

Tumumba si Nonito sa 11th round matapos tamaan sa bandang sikmura. Pero nakatayo at lumaban hanggang sa final bell.

Maga ang mukha ni Nonito. Pero kinabukasan, napag-alaman na basag pala ang ilong ni Naoya at muntik ma-damage ang mata.

Nagyakapan si Nonito at Naoya pagkatapos ng laban na pwede hiranging Fight of the Year.

Gusto ni Nonito ng rematch. Pwede. Bakit hindi?

Ewan ko kay Naoya.

vuukle comment

NONITO DONAIRE JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with