Pinay spikers masusukat sa PSL-Super Cup
MANILA, Philippines — Masusubukan ang tikas ng national women’s volleyball team sa pagsalang nito sa 2019 Philippine Superliga (PSL) Super Cup na magsisimula sa Martes sa The Arena sa San Juan City.
Darating sa bansa ang Pinay spikers bukas mula sa 12 araw na training camp sa Tokyo, Japan.
Makakalaban ng national team ang Team Sparkle at Team Shine na binuo ng PSL para sumabak sa torneo habang masisilayan din sa aksiyon ang women’s volleyball team ng Tsukuba University.
Ang Tsukuba ang reigning champion sa All-Japan Intercollegiate Volleyball Championship.
- Latest