^

PSN Palaro

Brownlee, Gilas

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Sumipot sa ensayo ng Gilas Pilipinas para sa papalapit na Southeast Asian Games ang Ginebra import na si Justin Brownlee.

Kumpleto attire si Brownlee. Naka-asul na Gilas uniform. Hindi nga raw siya sanay kasi either pula o puti lagi ang suot niya sa PBA.

Pumunta siya dahil naimbitahan ni coach Tim Cone. Tumulong lang siya sa practice nung Lunes.

Sabi ni Justin, pangarap niyang makapaglaro para sa Gilas. At pano niya ito magagawa?

 ‘Yan eh kung matutuloy ang nais ni Congressman Mikee Romero na gawing naturalized player ng Gilas si Brownlee.

Payag si Brownlee.

“I hope it happens soon,” sabi ni Brownlee, na may tatlong championships na sa PBA para sa Ginebra.

Mahal ni Brownlee ang Pilipinas kaya naman payag siya kung gagawin siyang naturalized player ng Gilas.

Isipin mo, pwede siya maglaro sa SEA Games o Asian Games o baka sa FIBA Championships.

Pero ang kailangan ay maisulong ang panukala ni Cong. Mikee na nag-suggest din ng pagbuo ng pool ng naturalized players.

Hindi raw pwede ang isa lang ang naturalized player natin gaya ni Marcus Douthit at Andray Blatche.

Sabi pa ng NorthPort team owner ay pwedeng apat o lima ang kunin natin para depende sa needs ng team. Hindi yung kahit wala sa kundisyon ang player eh mapipilitan ka pa dahil no choice ka.

Kung kailangan mo ng scorer, kunin mo si Brownlee. At kung kailangan mo ng center, iba naman ang ilagay mo sa lineup.

Magandang suggestion ito.

Kung magkakatotoo.

vuukle comment

JUSTIN BROWNLEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with