^

PSN Palaro

Lillard bumida sa Blazers

Pilipino Star Ngayon

DALLAS -- Isinalpak ni Damian Lillard ang kanyang twisting layup sa natitirang 26 segundo para akayin ang Portland Trail Blazers sa 121-119 paglusot kontra sa Mavericks.

Ang nasabing basket ni Lillard ang nagbigay sa Blazers ng 120-119 abante kasunod ang mintis sa three-point line ni Luka Doncic ng Mavericks.

Napanalunan ng Portland ang isang challenge call na magdadala sana kay Dorian Finney-Smith ng Dallas sa foul line.

Ito ay ginawang jump ball.

Tumapos si Lillard, humataw ng pinagsamang 67 points sa dalawang laro ng Blazers, na may 28 points kung saan ang 26 rito ay ginawa niya sa second half.

Pinamunuan ni CJ McCollum ang Portland mula sa kanyang 35 points kasunod ang 20, 11 at 10 markers nina Rodney Hood, Kent Bazemore at Zach Collins, ayon sa pagkakasunod.

Sa Los Angeles, kumolekta si Anthony Davis ng 29 points at 14 rebounds habang nagtala si Dwight Howard ng 16 points, 10 boards at 4 blocks sa 120-101 pananaig ng Lakers laban sa Charlotte Hornets.

Naglista si LeBron James ng 20 points, 12 assists at 6 rebounds para sa ikalawang sunod na panalo ng Lakers.

Sa Minneapolis, nagsalpak si Andrew Wiggins ng apat na 3-pointers sa huling anim na minuto para tumapos na may 25 points sa 116-109 paggupo ng Minnesota Timberwolves sa Miami Heat.

 

vuukle comment

DAMIAN LILLARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with