^

PSN Palaro

Spiderman

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Laya na si Spiderman, ang PBA fan na nanggulo sa Game 5 ng nakaraang Commissioner’s Cup finals.

Hindi naman yata tuluyan na nakulong si Spiderman pero nag-decide na ang PBA na bitawan ang mga kaso na balak sanang isampa laban sa kanya.

Madaling sabi, abswelto si Spiderman matapos pumasok sa court sa kalagitaan ng laro at bungguin ang higanteng si June Mar Fajardo.

At hindi lang yun. May role pang binigay ngayon si commissioner Willie Marcial kay Spiderman.

Nung huling outreach program ng PBA sa Quezon City, kasama nila si Spiderman na suot ang famous costume ng sikat na superhero.

Sabi pa ni kume, pinagkaguluhan ng mga bata si Spiderman dahil nga siguro sa costume nito.

Mula raw ngayon ay isasama na nila si Spiderman sa mga outreach prog­ram.

Naging PBA attraction at hindi ako magugulat kung sa ibang lakad ay mas pagkaguluhan pa siya kesa sa mga players.

Mabuti naman at ganun ang kinalabasan ng incident. Nag-sorry naman si Spiderman at ngayon ay nabigyan pa ng second chance.

Friendly naman pala.

Malihis tayo ng konti, kelan naman kaya lubos na patatawarin ni commissioner si Calvin Abueva?

Nag-sorry na rin ang “The Beast.”

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with