^

PSN Palaro

Pagulayan runner-up sa American Straight Pool

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tanging runner-up ho­nors lamang ang naibulsa ni Filipino-Canadian Alex Pagulayan sa katatapos lang na 2019 American 14.1 Straight Pool Championships na ginanap sa Q-Masters Billiards sa Virginia Beach, USA.

Inalat si Pagulayan sa championship round nang anihin nito ang 2-175 desisyon kontra kay Ruslan Chinakov ng Russia.

Hindi nakaporma sa buong panahon ng laban si Pagulayan dahilan para makuha ni Chinakov ang momento at tuluyang makuha ang panalo.

Nagkamit si Pagulayan ng $6,000 konsolasyon habang nasungkit ni Chinakov ang tumataginting na $10,000 top purse.

Umabante sa finals ang 2004 World 9-Ball champion na si Pagulayan nang igupo nito si Marco Teutscher ng Netherlands sa semifinals habang namayani naman si Chinakov kay Albin Ouschan ng Albania sa hiwalay na semis game.

Pareho namang yumuko sa second round ang dalawa pang Pinoy bets na sina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza.

Sunod na sasalang si Orcollo sa 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Maynila.

Makakasama ni Orcollo sina world No. 4 Carlo Biado, Johann Chua, Jeffrey Ignacio, Warren K­iamco, Chezka Centeno, Iris Rañola, Floriza Andal at Rubilen Amit.

vuukle comment

POOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with