^

PSN Palaro

Aces humirit pa ng tsansa sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Aces humirit pa ng tsansa sa quarters
Sinandigan ang mga role players sa fourth quarter, pinatumba ng Aces ang Blackwater Elite, 101-91 sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Philstar.com/Luisa Morales, file

MANILA, Philippines — Binuhay ng Alaska ang kanilang nanganganib na pag-asa.

Sinandigan ang mga role players sa fourth quarter, pinatumba ng Aces ang Blackwater Elite, 101-91 sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang pa­nalo ng Alaska sa walong laro para makatabla sa ilalim ng team standings ang Blackwater (2-6) at Phoenix (2-6),.

“We just know how important this game was and we know we have a chance to get into the playoffs,” sabi ni guard Jeron Teng na kumolekta ng 19 points, 8 rebounds at 3 assists para pamunuan ang tropa ni coach Jeff Cariaso.

Nagdagdag naman sina import Franko House at Abu Tratter ng tig-18 markers kasunod ang 12 points ni Vic Manuel.

Inangkin ng Aces ang 29-19 abante sa pagsasara ng first period hanggang iposte ang 14-point lead, 60-36  sa halftime.

Matapos mabaon sa 58-73 ang Elite, nahulog sa kanilang ikatlong dikit na kamalasan, ay nailapit nila ang labanan sa 73-78 tampok ang three-point play, fastbreak basket at triple ni Mac Belo sa huling 1:27 minuto ng third quarter.

Inasahan ng Alaska sina Teng, Jake Pascual at Kevin Racal para mu­ling makalayo sa 95-79 sa huling 5:23 minuto ng final canto.

Hindi na ito napababa ng Blackwater, nakahugot ng 18 points sa bagong hugot na si Niño Canaleta tampok ang 5-of-5 shooting sa three-point line.

Pinamunuan ni import Marqus Blakely ang Elite mula sa kanyang 19 points, 7 boards at 7 assists habang may tig-14 markers sina Belo at No. 2 overall pick Bobby Ray Parks Jr.

vuukle comment

ACES

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with