^

PSN Palaro

4 teams unahang lumapit sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Asahan ang matinding bakbakan sa pagitan ng apat na koponang mag-uunahang makalapit sa finals sa paglarga ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference best-of-three semifinals ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Babanat ng husto ang nagdedepensang Creamline laban sa palaban ding Motolite sa alas-2 habang magpapang-abot naman sa ikalawang laro sa alas-4 ang PetroGazz at BanKo Perlas.

Nakauwi na sa bansa sina Creamline key pla­yers Alyssa Valdez at Jia Morado para samahan ang kanilang tropa sa kampanya nito sa semis.

Nagpaalam sina Valdez at Morado sa national team coaching staff na hindi na kukumpletuhin ng dalawa ang 12-day trai­ning camp sa Tokyo, Japan kasama ang national team.

Kaya naman mas lalong bumagsik ang Cool Smashers na nananatiling malinis ang rekord matapos walisin ang 16 na laro nito sa eliminasyon.

Makakasama nina Valdez at Morado sina Michele Gumabao at Jema Galanza gayundin sina middle blockers Pau Soriano, Risa Sato at Celine Domingo.

“It’s only going to get better from here and we’re ready to welcome them back,” pahayag ni Gumabao.

Sa kabilang banda, kailangan ng Motolite na ilabas ang lahat ng armas nito para pigilan ang atake ng Creamline.

Armado naman ng ma­­­titikas na manlalaro ang Power Builders sa pa­­ngunguna nina Myla Pablo, Isa Molde at Diana Mae Carlos.

“I’ll give it my best shot even if I’m not 100 percent in shape,” ani Pablo na two-time league MVP.  

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with