^

PSN Palaro

76ers, Timberwolves umeskapo

Pilipino Star Ngayon
76ers, Timberwolves umeskapo
Dinakdakan ni 76ers’ Joel Embiid si Celtics’ Enes Kanter sa second half ng kanilang laban.

PHILADELPHIA -- Nasiko si 76ers star center Joel Embiid sa bibig at nagdugo sa isang pisikal na bakbakan.

Hindi ito pinansin ni Embiid at tumapos na may 15 points at 13 rebounds habang kumamada si Ben Simmons ng 24 markers para sa 107-93 panalo ng Philadephia laban sa Boston Celtics.

Naging pisikal ang laro ng 76ers at Celtics kung saan sila nagtala ng pinagsamang 60 fouls.

Binanderahan ni Gordon Hayward ang Boston mula sa kanyang 25 points habang nagdagdag ng 21 at 12 markers sina Jayson Tatum at Kemba Walker, ayon sa pagkakasunod.

Sa New York, humataw si star guard Kyrie Irving ng 50 points sa kanyang record-setting Brooklyn Nets debut, ngunit nawalan siya ng balanse at naimintis ang potensyal na winning shot.

Ang resulta nito ay ang 127-126 overtime win ng Minnesota Timberwolves.

Naglista si Karl-Anthony Towns ng 36 points at 14 rebounds para sa Timberwolves  habang nagtala si Andrew Wiggins ng 21 points tinampukan ng go-ahead basket sa huling 1:19 minuto ng laro.

Sinira ni Irving ang record ni Kiki Vandeweghe para sa most points ng isang player sa una niyang laro para sa bagong tropa.

Samantala, nanalo rin ang Utah Jazz laban sa  Oklahoma City Thunder, 100-95.

vuukle comment

76ERS

TIMBERWOLVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with