^

PSN Palaro

Pacific Town-Army sibak sa Creamline

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Petrogazz kinumpleto ang semis

MANILA, Philippines — Napasuko ng nagdedepensang Creamline ang Pacific Town-Army, 25-15, 25-18, 25-22 para manati­ling malinis ang rekord nito sa 2019 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Kumuha ng lakas ang Cool Smashers kina MVP candidate Jema Galanza at Filipino-Japanese middle blocker Risa Sato upang pamunuan ang kanilang tropa sa pagkopo ng ika-14 sunod na panalo.

Umani si Sato ng 12 puntos mula sa siyam na attacks at tatlong blocks.

Naasahan din ng Creamline sina opposite hitter Michele Gumabao, Celine Domingo at reserve wing spiker Rosemarie Vargas na nagbigay ng solidong kontribusyon partikular na sa third set upang makuha ang panalo.

Nagtala si Vargas ng 10 hits at 15 receptions samantalang may tig-walong puntos sina Gumabao at Domingo sa larong tumagal lamang ng isang oras at siyam na minuto.

Sa ikalawang laro, iginupo ng PetroGazz ang Philippine Air Force, 25-20, 25-15, 25-14 para kumpletuhin ang Final Four.

Umangat sa 10-4 ang Gazz Angels.

Ang panalo rin ng PetroGazz ang awtomatikong nagbigay sa Motolite (9-5) ng tiket semis.

vuukle comment

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE OPEN CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with