^

PSN Palaro

Dyip wasak sa NLEX

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muntik nang mabalewala ang itinayong 17-point lead ng NLEX sa third quarter.

Inasahan ng NLEX ang tatlong free throws ni big man JR Quiñahan at three-point play ni import Manny Harris sa huling 43.9 segundo para selyuhan ang kanilang 117-111 panalo laban sa Columbian sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tumapos si Harris na may 45 points tampok ang 12-of-13 shooting sa free throw line para sa ikalawang sunod na ratsada ng Road Warriors, inilista ang 5-1 record sa ilalim ng TNT Katropang Texters (6-0) kasunod ang San Miguel Beermen (4-1) at pinalakas ang tsansa sa eight-team quarterfinal round.

“He’s a gamer. He’s a competitor,” sabi ni coach Yeng Guiao sa NBA ve­teran guard na pumalit kay Olu Ashaolu. “He did what he needs to do.”

Nabigo naman ang Dyip na maitarak ang kanilang ikalawang dikit na panalo at nalasap ang ikatlong pagkatalo sa anim na laban.

Maagang nagtala ng double-digit lead ang NLEX sa pagsisimula ng first period, 13-2 bago ito pinalobo sa 15-point lead, 54-39 mula sa layup ni Harris bilang bahagi ng kanilang ibinagsak na 20-6 bomba matapos makadikit ang Columbian sa 33-34.

Muling nakalapit ang Dyip sa halftime, 44-54 habang humataw ang Road Warriors ng 11-5 atake para ilista ang 65-50 kalamangan sa third quarter patungo sa 83-66 abante sa huling 3:21 minuto nito.

Naitabla ito ng Columbian sa 104-104 sa pa­ngunguna nina No. 1 overall pick CJ Perez, import Khapri Alston at Jackson Corpuz sa 1:59 minuto ng final canto.

Tumipa ng tatlong free throws si Quiñahan kasunod ang agaw ni Kiefer Ravena kay Perez na nagresulta sa 3-point play ni Harris kay Alston sa nalalabing 37.4 segundo para selyuhan ang panalo ng NLEX. 

NLEX 117 - Harris 45, Quiñahan 15, Ravena 11, Galanza 9, Soyud 7, Ighalo 6, Taulava 6, Cruz 6, Miranda 5, Paniamogan 5, Erram 2, Baguio 0, Lao 0.

Columbian 111 - Perez 21, Corpuz 20, Alston 19, Tiongson 18, Celda 12, Calvo 7, Agovida 6, Cahilig 3, McCarthy 3, Faundo 2, Flores 0.

Quarterscores: 28-20; 54-44; 87-77; 117-111.

vuukle comment

2019 PBA GOVERNOR’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with