^

PSN Palaro

Jackpot

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Instant millionaire si Caloy Yulo ng gymnastics at Nesthy Petecio ng boxing matapos silang manalo ng gold medal sa world championships.

Unang nagbigay ang Philippine Sports Commission ng tag-isang milyon at sinundan naman agad ito ni Manny V. Pangilinan ng Smart/PLDT.

Bale naka P2 million each agad si Caloy at Nesthy.

Naka-schedule pa sila makita ni Presidente kahapon at malamang pa sa malamang eh magbibigay din si Digong.

Pero sa P2 million each pa lang ay siguradong happy na ang dalawa at ang kanilang mga pamilya.

Messenger ang tatay ni Caloy. Taga Leveriza sila sa Manila. Ang sarap panoorin ng arrival ni Caloy at nang yakapin siya ng kanyang ama.

Mababago ang buhay nila. Sana lang ay ‘wag pumasok sa ulo dahil marami pang padating.

Edad 19 lang si Caloy at 27 naman si Nesthy na tubong Davao.

May SEA Games sa December pero sa nakuha nila ngayon eh barya lang ito. Ang dapat paghandaan ay ang 2020 Tokyo Olympics.

Kung sino man sa kanila ang manalo ng gold sa Olympics ay magiging national hero dahil sa kasaysayan ng Olympics eh wala pa tayo ni isang gold medal.

Mas malaking cash bonus din ang makakamit nila kung sa Olympics sila mananalo. Hindi bababa sa P10 million.

Malamang ay ipagpatayo pa sila ng rebulto.

Go for gold!

vuukle comment

CALOY YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with