^

PSN Palaro

FEU ibabagsak ang Ateneo

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Itataya ng Ateneo Blue Eagles ang malinis na kartada sa pagharap sa FEU Tamaraws habang magtatagpo naman ang UP Fighting Maroons at UST Growling Tigers ngayon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hangad ng two-peat champion Ateneo na palawakin sa 11 laro ang winning streak sa kanilang engkuwentro ng FEU (5-5) sa alas-12:30 ng tanghali pagkatapos ng  sagupaan ng De La Salle Green Archers (4-5) at University of the East Red Warriors (3-7) sa alas-10:30 ng umaga.

Muling uupo si head coach Bo Perasol sa bench ng Fighting Maroons (6-3) sa pakikipagtuos sa Grow­ling Tigers (5-5) sa alas-4 ng hapon.

Tanging ang Ateneo pa lamang ang pasok sa Final Four at kung magwawagi ang Blue Eagles sa Tamaraws, lalapit sila sa tatlong laro na lamang mula sa asam na sweep sa double-round elimination.

Sa una nilang pagtatagpo, tinambakan ng Ateneo ang FEU, 63-46 noong Setyembre 14 sa pangu­nguna nina Ange Kouame na umani ng 14 puntos at 13 kay Adrian Wong at 12 mula kay Thirdy Ravena.

Ngunit, galing din ang FEU Tamaraws sa 72-58 laban sa UST Growling Tigers noong Linggo kaya tiyak tangan din nila ang malakas na tiwala sa buong koponan.

Inaasahang sasandal si coach Olsen Racela kina Royce Alforque at LJ Gonzales.

vuukle comment

SEASON 82 UAAP MEN’S BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with