^

PSN Palaro

4 teams bakbakan para sa 2 Finals slot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na koponan ang magbabakbakan para sa dalawang silya sa finals sa pagpalo ng 2019 Philippine Superliga Invitational Conference ngayong hapon sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Haharapin ng Petron ang Foton sa alas-3 habang magtutuos naman ang F2 Logistics at Cignal sa alas-5.

Winalis ng Blaze Spi­kers ang eliminasyon ta­ngan ang imakuladang 6-0 rekord.

Ngunit ibang usapan na ang semis.

At ayaw ng Petron na maulit ang masaklap na nangyari sa kanila sa All-Filipino Conference kung saan hawak nito ang twice-to-beat card ngunit natalo pa rin sa Cignal.

Masakit pa rin para kay setter Rhea Dimaculangan ang nangyari pero marami silang natutunan sa natu­rang karanasan.

 “We are still licking that old wound. We learned our lesson the hard way last conference. So we will play in the semifinals and try our best to make sure it won’t happen again,” ani Dimaculangan.

Babanat para sa Blaze Spikers sina Sisi Rondina, Aiza Maizo-Pontillas, Ces Molina at Denden Lazaro.

Kailangang tapatan ng Foton ang intensidad ng Petron.

Sa kabilang banda, mamanduhan ni Filipino-American spiker Kalei Mau ang ratsada ng Cargo Movers kasama sina Ara Galang, Kianna Dy, Aby Maraño at Majoy Baron.

Hindi magiging madali ang daang tatahakin ng F2 Logistics dahil nagtataglay din ang Cignal ng matikas na lineup.

Sasabak para sa HD Spikers sina Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga, Mylene Paat at Alohi Robins-Hardy na may malalalim na ring karanasan.

vuukle comment

2019 PHILIPPINE SUPERLIGA INVITATIONAL CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with