Suarez, PH men’s polo team sa PSA Forum
MANILA, Philippines — Ilalahad ng nagbabalik na si national boxing team member Charly Suarez at ng Philippine men’s polo team ang kanilang magiging kampanya sa darating na 30th Southeast Asian Games sa pagbisita nila sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila.
Si Suarez ang magiging unang Filipino pro boxer na sasabak sa isang international multi-sports event matapos siyang isama sa boxing team para sa 2019 SEA Games.
Makakasama ni Suarez sa pang alas-10 ng umagang sesyon si national coach at dating national team member Delfin Boholst.
Dadalo rin sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga miyembro ng water polo team na tumapos sa pang-lima sa FINA Water Polo Challengers’ Cup sa Singapore.
- Latest