^

PSN Palaro

Huling semis slot nakataya sa San Sebastian, Arellano

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maghaharap ang San Sebastian Stags laban sa Arellano Chiefs habang magtatagpo naman ang Mapua Cardinals at Perpetual Help Altas ngayon upang pag-agawan ang huling Final Four berth sa Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Cardinals (8-8) ang Altas (5-11) sa alas-12 ng tanghali at susundan ng pagtutuos ng Stags (9-7) at Chiefs (4-12) sa alas-2 ng hapon.

Pipilitin pa rin ng St. Benilde Blazers (7-9) na ma­natiling buhay ang pag-asa sa muling engkuwentro nila ng Jose Rizal Heavy Bombers (4-12) sa alas-4 ng hapon.

Sa juniors division, target ng UPHSD Junior Altas (6-10) ang pang-pitong panalo sa pakikipaglaban kontra sa Mapua Red Robins (3-12) sa alas-8 ng umaga habang asam naman ng SSC-R Staglets (9-7) ang ika-sampung panalo sa paghaharap laban sa Arellano Braves (9-6) sa alas-10 ng umaga.

Asam naman ng CSB-LSGH Greenies (9-7) ang pang-sampu ring panalo sa pagtatagpo laban sa JRU Light Bombers (8-8) sa hu­ling laro sa alas-6 ng gabi.

Tatlong koponan pa lamang sa pangunguna ng undefeated San Beda (17-0), Lyceum (13-4) at Letran (11-6) ang pumasok sa Final Four kaya bukas pa ang pintuan para sa San Sebastian, Mapua at St. Benilde para sa huling semis slot.

Kung magwawagi ang San Sebastian laban sa Arellano at mabibigo ang Mapua sa Perpetual Help makukumpleto na ang Final Four cast kahit manalo pa ang St. Benilde sa JRU.

Kaya krusyal ang laban ng Stags at Chiefs, ngunit kung mabibigo ang Stags at magwawagi ang Cardinals patuloy pa rin ang agawan sa huling semis seats kasama ang Bla­zers kung sila ay mananalo laban sa Light Bombers.

Kahit man matatalo ngayong araw, mayroon pa ring pag-asa ang Mapua sa kanilang pagtatagpo kontra sa St. Benilde at ng San Sebastian laban sa Perpetual Help sa huling araw ng elimination sa Biyernes.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with