^

PSN Palaro

UP lusot sa UE

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
UP lusot sa UE
Umani si Bright Akhuetie ng 18 puntos habang si Jun Manzo ay tumulong ng 17 puntos, limang assists at tatlong rebounds upang mapanatili ang UP sa ikalawang puwesto sa 6-3 win-loss kartada sa likuran ng undefeated A­teneo Blue Eagles (9-0) at isang laro ang agwat mula sa pumapangatlong UST Growling Tigers (5-4).
File

MANILA, Philippines — Agad nakabalik ang University of the Philippines Fighting Maroons sa winning track matapos muling pataubin ang University of the East Red Warriors, 78-75 kahapon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Umani si Bright Akhuetie ng 18 puntos habang si Jun Manzo ay tumulong ng 17 puntos, limang assists at tatlong rebounds upang mapanatili ang UP sa ikalawang puwesto sa 6-3 win-loss kartada sa likuran ng undefeated A­teneo Blue Eagles (9-0) at isang laro ang agwat mula sa pumapangatlong UST Growling Tigers (5-4).

Tumipak din ng 14 puntos, limang rebounds, tatlong assists at isang block si Kobe Paras at tig-sampu naman sina Javi Gomez De Liaño at Richie Rivero para walisin ang Red Warriors sa season na ito makaraan ang 62-56 panalo sa first round ng elimination noong Setyembre 21.

Sa ibang laro, umarangkada ang Adamson Soa­ring Falcons sa ika-apat na yugto tungo sa 72-53 panalo kontra sa National University Bulldogs upang umangat sa 4-6 win-loss kartada at manatiling buhay ang asam na semis berth.

Matapos sa dikit na laban sa unang tatlong yugto, biglang humataw ang Soaring Falcons ng 24-6 run sa pangunguna nina AP Manlapaz, Jerrick Ahanmisi, Simon Camacho at Congolese Lenda Douanga upang tapusin na ang four-game losing skid ng Adamson at ibaon ang NU sa 2-8 record.

Tumapos si Manlapaz ng 14 puntos at apat na rebounds habang si A­hanmisi ay tumulong ng 15 puntos para ulitin ang kanilang 84-83 overtime win sa Bulldogs sa first round elims noong S­etyembre 7.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with