^

PSN Palaro

Motolite asam ang krusyal na panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang krusyal na panalo ang sisikaping makuha ng Motolite sa pagsagupa nito sa BaliPure ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 Premier Volleyball League Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nag-uumapaw ang kumpiyansa ng Power Builders matapos gulanta­ngin ang Reinforced Conference champion PetroGazz noong Miyer­kules sa pamamagitan ng 22-25, 25-13, 25-16, 16-25, 15-11 desisyon.

Kaya naman umaasa ang Motolite na madadala nito ang magandang momento laban sa BaliPure sa kanilang duwelo sa alas-2.

Hawak ng Power Buil­ders ang 8-5 marka.

Kailangan nito ang pa­nalo para dumikit sa No. 3 BanKo Perlas na may 9-5 baraha at mapalakas ang tsansa sa semis.

Tanging Creamline pa lang ang nakasisiguro ng puwesto sa Final Four matapos kumulekta ng impresibong 12-0 kartada.

Nasa ikalawa naman ang PetroGazz na nagtatag­lay ng 9-3.

Papalo para sa Power Builders sina University of the Philippines aces Isa Molde at Diana Mae Carlos na pangunahing pinagkukunan ng puntos ng tropa.

Umaasa rin ang Motolite na muling puputok si top hitter Myla Pablo gayundin si reserve wing spiker Bernadeth Flora na tunay na maaasahan sa oras na hinuhugot ito sa bench.

vuukle comment

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE OPEN CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with