^

PSN Palaro

Blue Eagles matikas pa rin

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napanatili ng Ateneo Blue Eagles ang malinis na kartada matapos mu­ling pataubin ang Adamson Soaring Falcons, 80-74 habang tinambakan ng UST Growling Tigers ang UE Red Warriors, 101-73 kahapon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP Men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Umani si Thirdy Ra­vena ng 23 puntos, limang assists at apat na rebounds upang maging kauna-unahang player ng two-peat champion Ateneo sa season na ito na umiskor ng mahigit 20 puntos at payukuin ang Soaring Falcons sa ikalawang pagkakataon makaraan ang 70-52 panalo sa first round noong Setyembre 4.

Tumulong din ng 11 puntos si William Navarro na may kasamang walong rebounds at apat na blocks habang tumipak din ng parehong 11 puntos at limang assists si Matt Nieto para palawakin ang winning streak sa siyam na laro at ihulog ang Adamson sa 3-6 slate.

Sa ikalawang laro, matapos mabigo sa Ateneo noong Sabado, agad na bumawi ang University of Santo Tomas Growling Tigers upang patunayan ang kanilang dominasyon sa Red Warriors na kanila ring tinambakan, 85-68 sa first round ng elims noong Setyembre 25.

Dahil sa panalo, uma­ngat ang UST sa solo third spot sa 5-4 record sa likuran ng nangungunang Ateneo (9-0) at pumapangalawang UP Fighting Maroons (5-3). Ang UE ay bumaba sa 3-6 record.

“It was a good game. One of the factors kaya ganun yung laro kasi we were able to release the pressure, “ sabi ni UST coach Aldin Ayo.

Humataw si Zachy Huang ng carrer-high 22 puntos sa 6-of-8 shooting sa triple area para sa UST.

Sa ibang laro, sinorpresa naman ng National University Bulldogs ang Far Eastern University Tamaraws, 85-79 via overtime upang makamit ang ikalawang panalo sa siyam na laro. Ang FEU ay nalaglag sa solo fifth spot sa 4-5 card.

vuukle comment

BASKETBALL

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with