^

PSN Palaro

San Beda didikit sa sweep

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng undefeated San Beda Red Lions na lumapit sa isang laro mula sa asam na sweep sa double-round elimination pero handa naman ang St. Benilde Blazers na pigilin ang hangarin sa kanilang paghaharap ngayon sa Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nanatiling wala pang talo ang three-peat champion Red Lions sa 16 laro kaya paborito sila sa kanilang engkuwento ng Blazers (7-8) sa alas-2 ng hapon at susundan ng pagtatagpo ng San Sebastian Stags (9-6) at Mapua Cardinals (7-8) sa alas-4 ng hapon.

Kung magkaroon man ng sweep sa elimination round magiging step-ladder ang format ng semifinals kung saan maghaharap muna ang No. 3 at No. 4 qualifiers at ang magwawagi ay lalaban sa No. 2 bago sa best-of-three Finals.

Asahan na ang mainit na sagupaan ng San Beda at St. Benilde dahil ayaw ng Blazers na magkaroon ng sweep at kung mabibigo man ang tropa ni coach TY Tang, ang huling pipigil ay ang season 94 runner-up at pumapa­ngalawang Lyceum Pirates (12-4) sa Oktubre 17 sa parehong venue.

Sa juniors division, tangka ng SBU Red Cubs (15-1) ang pang-16 panalo sa pakikipagtipan kontra sa CSB-LSGH Greenies (9-6) sa alas-10 ng umaga at maghaharap din ang SSC-R Staglets (8-7) at Mapua Red Robins (3-11) sa alas-12 ng tanghali.

vuukle comment

BASKETBALL

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with