^

PSN Palaro

No way

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

No comment si Floyd Mayweather Jr. nang sabihan siya na ready si Manny Pacquiao lumaban ng 12 rounds sa 2020.

Tunay na laban ang gusto ni Pacman at hindi exhibition.

Ngumiti lang daw si Floyd nang sabihan ni Sean Gibbons, ang bagong presidente ng MP Promotions.

Nagkita ang dalawa sa Las Vegas nung nakaraang Linggo sa laban ni Errol Spence at Shawn Porter.

Mukhang ‘yun ang puntirya ni Gibbons matapos mag-announce si Floyd last month na may niluluto siyang exhibition nila ni Pacquiao sa Japan.

Tinanong si Pacquiao tungkol dito at ang sagot niya sa text message ay “Bakit exhibition? Dapat fight.”

Kaya nang magkita si Floyd at Gibbons, inurot ng international matchmaker ang retiradong superstar.

 Hindi raw sumagot.

Ewan natin kung ano ang nasa isip ni Floyd. Pero ang malamang ay hindi siya ready lumaban kay Pacquiao sa tunay na rematch.

Dalawang taon na mula ng huling laban ng 42-year-old na si Floyd kontra Conor McGregor ng UFC.

Kalawang.

Si Pacquiao naman na 40 anyos ay galing sa dalawang panalo kay Adrien Broner at Keith Thurman. Mga tunay na boxing match.

 Kumbaga, unat na unat si Pacquiao.

 Aayaw talaga si Floyd.

vuukle comment

ERROL SPENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with