Blackwater nakabangon na
MANILA, Philippines — Nagwakas na ang pagkauhaw sa panalo ng Blackwater.
Ilang beses mang naisuko ang double-digit lead sa second half ay nanatili naman sa kanilang porma ang Elite para patumbahin ang NorthPort Batang Pier, 107-98 sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Ito ang unang panalo ng Blackwater matapos ang 0-2 panimula habang nalasap ng NorthPort ang pangatlong dikit nilang kabiguan para sa 1-3 marka.
“it just feels great to get a win,” sabi ni No. 2 overall pick Bobby Ray Parks Jr., kumolekta ng 21 points na tinampukan ng apat na three-point shots. “We’re definitely hungry for the win. Siyempre, bata pa kami each strive, each win is a big achievement for us.”
Humakot naman si import Marqus Blakely ng 13 markers, 14 rebounds, 7 assists at season-high na 8 blocks para sa tropa ni coach Aris Dimaunahan.
Ipinoste ng Elite ang 10-point lead, 51-41 mula sa ikatlong three-point shot ni Carl Bryan Cruz sa hu-ling 1:06 minuto ng second period hanggang maagaw ng Batang Pier ang 52-51 bentahe sa likod ni No. 3 overall pick Robert Bo-lick sa kaagahan ng third quarter.
Muling nakalayo ang Blackwater sa 64-57 patungo sa pagtatala ng 18-point advantage, 94-76 mula sa fastbreak basket ni point guard Roi Sumang sa 5:59 minuto ng final canto.
- Latest