^

PSN Palaro

Mcdaniels inakay ang TNT katropa sa panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Mcdaniels inakay ang TNT katropa sa panalo
Kumolekta si McDaniels ng 37 points, 13 rebounds, 5 assists at 5 blocks para banderahan ang Tropang Texters sa 103-91 panalo laban sa Elasto Painters sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
File

MANILA, Philippines — Ilang beses nakadikit ang Rain or Shine sa fourth quarter, ngunit naroon naman si import KJ McDaniels para sagipin ang TNT Katropa.

Kumolekta si McDaniels ng 37 points, 13 rebounds, 5 assists at 5 blocks para banderahan ang Tropang Texters sa 103-91 panalo laban sa Elasto Painters sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng TNT Katropa matapos ilampaso ang Blackwater, 135-107.

“We have to come together as a team and my teammates did a good job staying in the game and follow our gameplan,” sabi ni McDaniels, naging teammate ni Terrence Jones sa Houston Rockets sa NBA.

Nalasap ng Rain or Shine ang kanilang ikalawang talo sa tatlong laro.

Ang fastbreak slam dunk ni McDaniels ang nagbigay sa Tropang Texters ng 12-point lead, 71-59 sa huling 3:23 minuto ng third period matapos makalapit ang Elasto Painters sa halftime, 44-49.

Huling nakadikit ang Rain or Shine sa 86-90 mula sa basket ni import Joel Wright sa 4:39 minuto ng fourth quarter kasunod ang pagbabangko sa kanya ni coach Caloy Garcia matapos matawagan ng Flagrant Foul Penalty 1 sa pagpatid niya kay TNT Ka-ßtropa big man Troy Rosario.

Ang magkasunod na basket ni McDaniels at three-point shot ni RR Pogoy ang muling naglayo sa Tropang Texters sa 103-88 sa nalalabing 56.4 segundo ng laro.

Samantala, target naman ng NLEX (2-0) ang kanilang ikatlong sunod na panalo kontra sa Blackwater (0-1) ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang upakan ng San Miguel (1-0) at Alaska (0-2) sa alas-6:45 ng gabi sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

vuukle comment

PBA

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with