^

PSN Palaro

PLDT unang biktima ang Sta. Lucia Realty

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PLDT unang biktima ang Sta. Lucia Realty
Dinipensahan ninaRachel Austerio at Amy Ahomiro ng Sta. Lucia ang ilalaglag na bola ni Joyce Sta. Rita ng PLDT sa aksyong ito sa PSL Invitational Conference.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Malakas ang signal ng PLDT Home Fibr nang maikonekta nito ang impresibong 25-19, 25-19, 25-13 demolisyon kontra Sta. Lucia Realty upang masungkit ang kanilang unang panalo sa 2019 Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagsanib-puwersa sina three-time NCAA MVP Grethcel Soltones at da-ting Far Eastern University standout Jerrili Malabanan para buhatin ang Power Hitters sa 1-1 baraha.

Magandang resbak ito para sa PLDT na lumasap ng kabiguan sa kamay ng All-Filipino Conference runner-up Cignal sa kanilang unang pagsalang noong Martes.

Maliban kina Soltones at Malabanan, maganda rin ang inilaro ni dating National University outside hitter Jorelle Singh, middle blocker Gen Casugod at playmaker Jasmine Nabor para kubrahin ng Power Hitters ang panalo.

“Sa last game namin, wala kami service receive, nag-focus talaga kami sa service receive this time. Inisip din namin na saglit lang itong Invitational Conference kaya hindi kami pwedeng magpatumpik-tumpik talaga,” ani Singh na nakalikom ng walong attacks at tatlong aces.

Nahulog ang Lady Realtors sa parehong 1-1 kartada.

Dominado ng PLDT ang lahat ng scoring department tampok ang 34 attacks kumpara sa 26 lamang na nagawa ng Sta. Lucia.

Nakakuha pa ang Po-wer Hitters ng 10-3 edge sa service area at 6-3 bentahe sa blocking department.

Malaking butas sa hanay ng Lady Realtors ang errors nito matapos makagawa ng 25 pagkakamali o katumbas na ng isang buong set.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA

PLDT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with