^

PSN Palaro

All-Star

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Narinig yata tayo ng mga bossing at imbes na kumbinasyon ng PBA at collegiate players ang isasabak natin sa nalalapit na SEA Games ay All-Star team ang gagamitin.

Todo pati pamato.

Sa lakas nga ng team na kinabibilangan nina June Mar Fajardo, LA Tenorio, Jason Castro at Greg Slaughter ay hindi na nakuhang isama ni coach Tim Cone sina Robert Bolick, CJ Perez, Ray Parks at Terrence Romeo.

Bata pa naman daw sila at marami pang pagkakataon.

Anim na player mula sa Ginebra, apat sa San Miguel, tatlo sa TNT at isa mula sa Alaska at Phoenix ang nasa 15-man pool. Bago magsimula ang labanan sa MOA Arena sa December, may Final 12 na.

 Kahit sino na ang mapili eh siguradong makakabuo ng powerhouse team si coach. Pwede siya pumikit at pumili.

 Indonesia ang kinatatakutan ni coach dahil may naturalized player, ang dating PBA import na si Denzel Bowles at may coach na sukat ang laro ng PBA players, si Rajko Toroman, na dating Gilas coach.

Pero para sa akin, kaya ng Gilas ang Indonesia at pati na Thailand. ‘Wag lang sampu ang Denzel Bowles nila.

 Asahang mamamayagpag ang Gilas sa SEA Games hanggang ipanalo nila ang gold medal.

 Nasa pagpipilian din sila Scottie Thompson, Stanley Pringle, Japeth Aguilar, Arthur dela Cruz, RR Pogoy, Troy Rosario, Marcio Lassiter, Chris Ross, Christian Standhardiner, Vic Manuel at Matthew Wright.

 Parang PBA All-Stars laban sa Indonesia, Thailand at kung sino pa man sa Southeast Asia.

‘ Wag ka na kabahan coach Tim.

Sumakay ka pa.

vuukle comment

PBA

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with