^

PSN Palaro

Mojdeh, De Kam mapapalaban sa matitikas na tankers sa Asia

Pilipino Star Ngayon
Mojdeh, De Kam mapapalaban sa matitikas na tankers sa Asia
Sina Micaela Jasmine Mojdeh at Marcos De Kam ang mangunguna sa kampanya ng Pilipinas sa 10th Asian Age Group Swimming Championship sa India simula ngayong araw.

MANILA, Philippines — Handang-handa na sina Swimming Pinas standouts Micaela Jasmine Mojdeh at Marcus De Kam na pamunuan ang national junior swimming team sa prestihiyosong 10th Asian Age Group Swimming Championship na magsisimula ngayong araw sa Bengaluru City, India.

Sasalang si Mojdeh sa limang events sa girls’ 14-under category habang aariba naman si De Kam sa apat na events sa boys’ 14-under class ng torneong lalahukan ng pinakamatitikas na tankers sa Asya partikular na ang China, Japan at South Korea.

Masisilayan sa aksiyon ang 13-anyos Brent International School-Laguna student na si Mojdeh sa 50m butterfly, 100m butterfly, 200m butterfly, 200m individual medley at 50m breaststroke.

Galing si Mojdeh sa pagkopo ng gintong medalya sa 2019 Hong Kong Open noong nakaraang buwan habang nakatanso rin ito sa Philippine National Open na ginanap sa New Clark City sports complex sa Tarlac.

Magtatangka namang humirit ng gintong medalya si Philippine National Open bronze medalist De Kam sa 50m freestyle, 100m freestyle, 200m freestyle at 400m freestyle.

Nakapasok sina Mojdeh at De Kam matapos maabot ang qualifying times na itinalaga ng Phi-lippine Swimming Incorporated sa pangunguna ni PSI chief Lani Velasco.

Kasama nina Mojdeh at De Kam sa delegasyon sina Mishka Sy at Jalil Taguinod sa torneong may basbas ng International Swimming Federation (FINA).

Target ng Pinoy tankers na mapantayan o mahigitan ang tatlong ginto, isang pilak at dalawang tansong medalya ng Pilipinas noong 2017 edisyon ng Asian meet na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.

vuukle comment

SWIMMING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with