^

PSN Palaro

SBU lalapit sa semis

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng three-peat champion San Beda Red Lions ang pang-13 panalo sa pagharap kontra sa San Sebastian Stags habang magtatagpo rin ang Letran at St. Benilde ngayon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Dahil sa kanilang 12-0 imakuladang marka, paborito ang Mendiola-based team kontra sa Stags (7-4) sa alas-12 ng tanghali at susundan sa pagtatagpo ng Letran Knights (8-4)  at St. Benilde Blazers (6-5) sa alas-2 ng hapon. Hangad din ng Mapua Cardinals (5-6) ang pang-anim panalo sa pakikipagtuos kontra sa Arellano Chiefs (3-9) sa alas-4 ng hapon.

Tiwala ang Red Lions na magtagumpay sa Stags na kanilang tinambakan, 73-59 sa first round ng elimination noong Hulyo 26 kung saan umani si Evan Nelle ng 14 puntos, 10 rebounds, apat na assists at isang steal.

Sa larong iyon, tatlong Red Lions pa ang tumulong ng double-digits sa pangu­nguna ni Donald Tankoua at James Kwekuteye na nagtala ng tig-14 puntos bawat isa habang 10 puntos at 10 rebounds na may kasama pang pitong steals mula sa MVP leading candidate na si Calvin Oftana.

Kung magwawagi ang tropa ni coach Boyet Fernandez, lalapit sila sa isang laro na lamang para pumasok sa semifinals.

Sa juniors’ division, target ng SBU Red Cubs (11-1) ang pang-12th panalo sa pagharap kontra sa SSC-R Staglets (6-5) sa alas-8 ng umaga habang puntirya ng CSB-LSGH Greenies (7-4) ang pang-walong panalo laban sa Letran Squires (5-7) sa alas-10 ng umaga.

Sa huling laro, maghaharap ang Arellano Braves (6-6) at Mapua Red Robins (3-7) sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with