PSL Invitational Cup papalo na
MANILA, Philippines — Anim na koponan ang mag-uunahang makuha ang buwenamano sa pagpalo ng 2019 Philippine Superliga Invitational Conference ngayong hapon sa Bacoor Strike Gym sa Bacoor City, Cavite.
Unang sasalang ang Generika-Ayala at Marinerang Pilipina sa alas-2 na susundan ng duwelo ng Foton at Sta. Lucia sa alas-4 at ng Cignal at PLDT Home Fibr sa alas-6 ng gabi.
Gaganapin naman ang opisyal na opening ceremonies sa Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nakasentro ang atensiyon sa HD Spikers na runner-up sa sa nakalipas na All-Filipino Conference.
Bumagsik ang Cignal sa pagpasok ni Filipino-American setter Alohi Robins-Hardy at pagbabalik ni opposite hitter Jovelyn Gonzaga.
Papalo rin sina Rachel Anne Daquis, Mylene Paat, Jannine Navarro at Cherry Vivas kasama si libero Jheck Dionela.
Maliban sa Cignal, tinukoy rin ni PLDT coach Roger Gorayeb ang Petron at F2 Logistics sa mga teams to beat.
- Latest