^

PSN Palaro

Hidilyn bumuhat ng 2 tanso sa Thailand

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Hidilyn bumuhat ng 2 tanso sa Thailand

MANILA, Philippines — Sumiguro ng dalawang tansong medalya si Hidilyn Diaz sa prestihiyosong 2019 International Weightlifting Federation (IWF) World Championships na ginaganap sa Eastern National Sports Training Center sa Pattaya, Thailand.

Nagtala ang Rio Olympics silver medalist ng 121 kgs para masungkit ang tansong medalya sa clean and jerk.

Nagrehistro naman ito ng kabuuang 214 kgs. sa total para masiguro ang isa pang tansong medalya sa women’s 55-kg. division.

Bumuhat lamang si Diaz ng 98 kgs. sa snatch, sapat lamang sa ikawalong puwesto.

Naibulsa ni Liao Qiuyun ng China ang gintong medalya sa clean and jerk nang magtala ito ng bagong world record na 129 kgs. habang pumangalawa ang kababayan nitong si Zhang Qanqiong na may 123 kgs.

Naibulsa rin ni Liao ang ginto sa total hawak ang kabuuang 227 kgs. kasunod si Zhang sa ikalawa tangan ang 222 kgs.

Nakabawi lamang si Zhang nang angkinin nito ang ginto sa snatch matapos paangatin ang 99 kgs. at talunin si Liao na may 98 kgs. para magkasya sa pilak.

Napunta ang tanso kay Muattar Nabieva ng Uzbekis-tan na may 96 kgs. sa torneong nilahukan ng 606 atleta mula sa 100 bansa.

Sa iba pang resulta, ikapito si John Ceniza sa snatch (117 kgs.), ikalima sa clean and jerk (145 kgs.) at ikaanim sa total (262 kgs.) sa men’s 55-kg. habang ikawalo si Mary Flor Diaz sa snatch (70 kgs.) at clean and jerk (86 kgs.) at ikapito sa total (156 kgs.) sa women’s 45-kg.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with