^

PSN Palaro

Batang Pier laban sa Painters; Aces kontra sa Dyip

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Batang Pier laban sa Painters; Aces kontra sa Dyip
Sasagupain ng Batang Pier ang Elasto Painters nga­yong alas-7 ng gabi ma­tapos ang upakan ng Aces at Dyip sa alas-4:30 ng hapon sa pagbubukas ng 2019 PBA Governor’s Cup sa MOA Arena sa Pa­say City.
PBA Image

MANILA, Philippines — Mga balik-imports ang ipaparada ng NorthPort at Rain or Shine, habang mga bagong mukha ang ita­tampok ng Alaska at Co­lumbian.

Sasagupain ng Batang Pier ang Elasto Painters nga­yong alas-7 ng gabi ma­tapos ang upakan ng Aces at Dyip sa alas-4:30 ng hapon sa pagbubukas ng 2019 PBA Governor’s Cup sa MOA Arena sa Pa­say City.

Tinapik ng NorthPort si Mychal Ammons na dating naglaro para sa TNT Katropa noong 2016 at nagposte ng mga averages na 14.75 points, 12.9 rebounds at 1.5 blocks sa kanyang 12 laro.

Itatapat naman ng Rain or Shine si Joel Wright, hu­ling kumampanya para sa Star (ngayon ay Magnolia).

Kumolekta si Wright ng mga averages na 28.4 points, 14.5 rebounds, 2.7 assists, 1.8 steals at 1.4 blocks sa pitong laro niya pa­ra sa Hotshots dalawang taon na ang nakakalipas.

Sa unang laro ay ita­­tampok naman ng Aces ang ba­gong head coach na si Jeffrey Ca­riaso, pumalit kay Alex Compton, bukod pa sa mga bagong hugot na sina Fil-Nigerian guard Maverick Ahanmisi at Fil-Am forward Abu Tratter.

Sina Ahanmisi at Tratter ay nakuha ng Alaska mula sa trade sa Rain or Shine at Blackwater.

Pumasok din sa trade ang Dyip kung saan nila na­­hugot sina guard Juami Tiongson at big men Lervin Flo­res at Joseph Gabayni.

Itatapat ng Aces si Justin Watts laban kay Khapri Als­ton ng Dyip.

Samantala, tinalo ng Tro­pang Texters ang Niiga­ta Albirex Basketball, 99-90, sa East Asia League Terrific 12 sa Macau kahapon.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with