Overkill
Tayo naman!
Malapit na ang SEA Games at natural, aabangan ng mga Pinoy and basketball competition.
Sa men’s basketball ng SEA Games, tayo ang hari.
May 17 gold medals na tayo.
In fact, dawalang beses pa lang tayo nag-silver — noong 1979 at 1989 kontra sa Malaysia.
Sa December, dito gagawin ang SEA Games. Sa MOA Arena ang basketball.
May PBA players sa team natin kagaya nina Christian Standhardinger at Stanley Pringle.
May iba pa at hahaluan ito ng college players.
Sapat na raw ito para manalo ng gold.
Pero kung ako lang, iyong the best team pa rin ang ipapadala ko. Sina June Mar Fajardo. Itotodo ko.
Ayaw ng iba. Overkill daw.
Anong overkill? Eh, sa FIBA World Cup tayo ang na-overkill.
Chance natin ito para ipakita sa mga kalaban sa SEA Games kagaya ng Malaysia, Thailand, Indonesia, Singapore, Vietnam, Laos, Myanmar, Cambodia at Timor Liste na sa basketball, eh tayo ang hari.
Tambakan natin lahat ng kalaban ng 50 points kung paano tayo tinambakan ng Italy at Serbia.
Para sa SEA Games man lang, maramdaman ng mga kalaban natin iyong naramdaman natin sa FIBA World Cup.
Sila naman ang magsabi na “Ang layo natin sa Pilipinas.”
Durugin ang kalaban.
- Latest