^

PSN Palaro

SBU lalapain ang ika-12 dikit vs JRU

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng three-peat champion San Beda Red Lions ang pang-12th pa­nalo at mapanatili ang malinis na kartada kontra sa Jose Rizal Heavy Bombers ngayon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Haharapin ng Red Lions (11-0) ang Heavy Bombers (4-7) sa alas-2 ng hapon at susundan ng pagtatagpo ng Arellano Chiefs (2-9) at Perpetual Help Altas (3-7) sa alas-4 ng hapon.

Inaasahang magtata­gumpay ang Heavy Bombers na kanila ring tinambakan, 74-52 sa first round ng elimination noong Hulyo 12 sa pangunguna ni James Canlas sa kanyang 17 puntos at walong rebounds.

Bukod kay Canlas, sasandal din si coach Boyet Fernandez kina Clint Doliguez, Evan Nelle, AC Soberano, Franz Abuda  at Donald Tankoua.

Kung magtatagumpay ang Mendiola-based team kakapit sila sa dalawang laro na lamang para masi­guro ang pagpasok sa Final Four dahil mahigit 14 wins ang magic number sa semifinal round.

Sa kabilang banda, kailangan naman ng Heavy Bombers ang panalo upang lumapit sa top four ng standing. Nananatiling buhay ang pag-asa ng JRU para sa playoff round, ngunit kailangan na nilang humataw para umakyat sa pang-anim na puwesto.

Sa juniors division, target ng nangungunang SBU Red Cubs ang pang-11th panalo sa sagupaan kontra sa JRU Light Bombers (6-5) sa alas-10 ng umaga at magtatagpo rin ang Arellano Braves (5-6) at UPHSD Junior Altas (5-5) sa alas-12 ng tanghali.

vuukle comment

BASKETBALL

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with