^

PSN Palaro

UE niyanig ang La Salle 4-dikit sa Ateneo

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
UE niyanig ang La Salle 4-dikit sa Ateneo
Hinarangan ni John Apacible ng UE ang rumaragasang si Andrei Caracut ng La Salle sa aksyong ito sa UAAP Season 82.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Ateneo ang pang-apat na sunod na panalo sa pagpapataob sa FEU Tamaraws, 63-46 habang sinorpresa ng UE Red Warriors ang paboritong DLSU Green Archers, 89-88 kahapon sa pagpatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Patuloy pa rin ang mastery ng Blue Eagles laban sa Tamaraws na kanila ring pinatalsik sa Final Four noong nakaraang taon sa pangunguna ng mga beteranong sina Thirdy Ravena, Matt Nieto at Ange Kouame.

Nalimitahan ng Ateneo ang FEU sa anim na puntos lamang sa unang yugto habang nagtulung-tulong sina Ravena at Kouame ng 18 puntos tungo sa panalo.

Umani si Ravena ng double-double sa kanyang 12 puntos at 10 rebounds at isang assist habang ang Ivorian na si Kouame ay tumipak ng 14 puntos at tatlong blocks para sa tropa ni coach Tab Baldwin.

Ginamit ng Blue Eagles ang mahigpit na depensa sa buong laro kaya umabot sa 17 turnovers ang nakamit ng Tamaraws at walang manlalaro sa FEU ang tumapos ng double digits.

Sa iba pang laro, kumunekta si Rey Suerte ng dalawang sunod na triples upang itakas ang unang panalo ng Red Warriors sa apat na laro at ihulog ang Green Archers sa sos­yuhan sa ika-limang puwesto kasama ang FEU sa parehong 1-2 win loss kartada.

Tumapos ang five-year veteran na si Suerte ng career-high 31 puntos kabilang na ang five-of-seven shooting sa three-point zone na may kasamang pitong rebounds at tatlong assists habang tumulong din si Neil Tolentino ng 19 puntos para sa UE.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with