^

PSN Palaro

Spain vs Argentina sa FIBA World Cup Finale

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Spain vs Argentina sa FIBA World Cup Finale
Nakatakda ang bakbakan ng Spain at Argentina alas-8 ngayong gabi habang magpapang-abot naman ang Australia at France sa battle-for-bronze match sa alas-4 ng hapon.

MANILA, Philippines — Naisaayos ng Spain at Argentina ang paghaharap sa championship matapos magtala ng magkaibang panalo sa semifinals ng 2019 FIBA World Cup na ginaganap sa Wukesong Arena sa Beijing China.

Nakatakda ang bakbakan ng Spain at Argentina alas-8 ngayong gabi habang magpapang-abot naman ang Australia at France sa battle-for-bronze match sa alas-4 ng hapon.

Dumaan sa butas ng karayom ang Spain bago kubrahin ang 95-88 double overtime win kontra sa Australia sa semifinals.

Halimaw si Marc Gasol na humataw ng 33 puntos, anim na rebounds at apat na assists habang bu­manat naman si Ricky Rubio ng 19 markers, 12 assists at pitong boards para manduhan ang Spain.

Nagparamdam din si Sergio Llull na naglista naman ng 17 points, anim na assists at dalawang boards.

Nais ng Spain na makuha ang ikalawang World Cup crown matapos pagharian ang 2006 edis­yon na ginanap sa Japan.

Sa kabilang banda, mas madali ang daang tinahak ng Argentina na nagtala ng 80-66 demolis-yon laban sa France sa hiwalay na semis game.

Bida si Luis Scola na bumira ng 28 puntos at 13 rebounds para manduhan ang Argentina na makabalik sa finals.

Huling nagkampeon ang Argentina noong 1950 edisyon na ginanap sa kanilang teritoryo.

Nakapasok sa finals ang Argentina noong 2002 ngunit natalo ito sa Yugos-lavia na dating pangalan ng Serbia and Monte­negro.

vuukle comment

FIBA WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with