^

PSN Palaro

Valdez-less Creamline hiniya ang Chef’s Classic

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Valdez-less Creamline hiniya ang Chef�s Classic
Hindi ininda ng Cool Smashers ang pagkawala ni Reinforced Conference MVP at top scorer Alyssa Valdez na kasalukuyang nagpapagaling matapos magtamo ng sprain sa right ankle.
File

MANILA, Philippines — Tinusta ng nagdedepensang Creamline ang Chef’s Classic sa bendis­yon ng 25-11, 25-14, 25-21 panalo upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa 2019 Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi ininda ng Cool Smashers ang pagkawala ni Reinforced Conference MVP at top scorer Alyssa Valdez na kasalukuyang nagpapagaling matapos magtamo ng sprain sa right ankle.

Nariyan sina opposite hitter Michele Gumabao, wing spiker Jema Galanza, middle blockers Risa Sato at Maria Paulina Soriano at reserve spiker Fille Cai­ng­let-Cayetano para pu­nan ang nabakanteng puwesto ni Valdez.

“Masaya kami na mag-work yung team as a team. Prepared naman kami, kailangan lang ng adjustments (sa pagkawala ni Alyssa) pero malakas pa rin naman yung team. Kailangan lang namin maging prepared parati,” ani Cainglet-Caye­tano na gumawa ng siyam na puntos lahat galing sa attacks.

Nasilayan din si playmaker Jia Morado para tulungan ang Cool Smashers na makuha ang ikasiyam na sunod na panalo at mapatatag ang kapit sa solong pamumuno.

Wala pa ring panalo ang Lady Red Spikers sa walong pagsalang.

Nakatakdang umalis ngayong araw si Morado para samahan ang wo­men’s national pool sa trai­ning camp sa Thailand gayundin sa kauna-unahang Asean Grand Prix na magsisimula sa Setyembre 20.

Sa kabilang banda, hindi matutuloy si Valdez sa Thailand dahil inabisuhan ito ng kanyang doctor na magpahinga upang mabilis na gumaling ang kanyang ankle sprain.

Base sa MRI na ginawa sa St. Lukes Global City sa Taguig, walang major problem sa injury ni Valdez.

Kailangan lang nito ng sapat na pahinga para gumaling.

vuukle comment

CREAMLINE

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with