Tan, Del Rosario iniwanan na ang mga kalaban sa BWC
MANILA, Philippines — Binanderahan nina Merwin Tan at veteran Liza del Rosario ang kani-kanilang mga dibis-yon matapos magtala ng magandang laro para pamunuan ang walong lalake at walong babae sa national finals ng Bow-ling World Cup bukas sa Paeng’s Eastwood Bowl.
Nagpagulong si Tan ng 12-game series na 2,640 pinfalls noong Martes sa Superbowl para sa 5,060 total at ungusan si legen-dary Paeng Nepomuceno, tumipa ng 2,424 para sa 4,959 total sa men’s division.
Humataw naman si Del Rosario, isa sa mga top campaigners sa Asya, ng 10-game series na 2,133 pinfalls kahapon sa Superbowl para iposte ang 4,243 total.
Iniwanan ni Del Rosario si 2017 BWC international champion Krizziah Tabora-Macatula na nagsumite ng 2,119 sa 10 games para sa 4,177 total.
Makakasama nina Tan at Nepomuceno sa quarterfinal, semifinal at final matches sa men’s division sina Jayson Tubid (4,757), Paulo Valdez (4,756), Benshir Layoso (4,714), Eric Aranez (4,674), RJ Bautista (4,664) at Nicco Olaivar (4,644).
Bukod kina Del Rosario at Tabora-Makatula ay maglalaro rin sa quarters, semis at finals matches sa women’s class sina Rachelle Leon (3,826), Mades Arles (3,824), Alexis Sy (3,812), Dyan Coronacion (3,810), Danielle Denise Lazo (3,752) at Rochelle Munsayac (3577).
Ang nasabing natitirang 16 bowlers ang mag-aagawan sa national title at ang karapatang katawanin ang bansa sa BWC international event sa Palembang, Indonesia sa Nobyembre 16-24.
- Latest