Del Rosario namuno sa 2nd round ng BWC
MANILA, Philippines — Binanderahan ni veteran Liza del Rosario ang 33 pang lady bowlers sa second round ng Bowling World Cup national finals noong Linggo sa Coronado Lanes.
Nagpagulong si Del Rosario ng 10-game series na 2,133 pinfalls para ungusan si 2017 BWC ladies’ international champion Krizziah Tabora Macatula na nagtala ng 2,119 pinfalls.
Pumangatlo naman si Rachelle Leon na may 10-game series na 1,943.
Sa men’s division, sasabak ang 34 mula sa 80 finalists sa isa pang 12 games na may lane changes matapos ang bawat laro ngayon sa Superbowl.
Ang top eight bowlers ang mag-aagawan para sa national title at ang karapatang katawanin ang bansa sa BWC international tournament sa Palembang, Indonesia sa Nobyembre 16-24.
Ang men’s field ay pinamumunuan ni Merwin Tan, naglaro sa BWC international finals sa Sam’s Town, Las Vegas, Nevada noong nakaraang taon.
Pumangalawa naman si legendary Paeng Nepomuceno, ang tanging four-time men’s international champion, kay Tan.
- Latest