^

PSN Palaro

Walang sisihan

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

May dapat bang sisihin sa nangyari sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup?

Wala?

Meron bang may kasalanan?

Wala rin.

Tanggapin na lang natin ang masakit na katotohanan na pagdating sa World Cup, hindi tayo uubra.

Durog tayo sa Italy, Serbia at Tunisia. Natalo sa overtime sa Angola. Kagabi ay kaharap natin ang Iran.

Dehado pa rin.

Iba talaga ang laro sa international. Hindi PBA ang style. Mabilis ang ikot ng bola. Mabilis ang baba.

Mas malalaki ang kalaban. At deadly pa sa three-points.

Yun nga sana ang p­ag-asa natin. Outside shooting. Pero mas ma-tinik ang mga kalaban.

Si coach Yeng Guiao ang aako sa pagkatalo. Sa bagay, hindi naman ito aakuin ng players.

Pero wala rin namang kasalanan si coach Yeng. Natapat lang na siya ang coach ngayon ng Gilas.

Mauulit at mauulit lang ang nangyari.  Sa susu-nod na World Cup sa 2023, tayo ang host.

Pero hindi ito kasiguruhan na gaganda ang tsansa natin.

Kahit sino ang players at kahit sino ang coach.

Kahit si Phil Jackson pa.

vuukle comment

FIBA WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with