^

PSN Palaro

Baguio City naidepensa ang overall title sa BP

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

PUERTO PRINCESA, Palawan, Philippines — Habang inangkin ng Dasmariñas City, Cavite ang anim sa inilatag na 12 gintong medalya ay opisyal namang kinuha ng Baguio City ang overall crown sa pagtiklop ng 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy National Championship kahapon dito.

Kumolekta ang Baguio City ng kabuuang 61 gold, 45 silver at 66 bronze medals para muling pagharian ang Batang Pinoy Finals sa ikalawang sunod na taon matapos maging host noong 2018.

Ilan sa mga sports na kinuhanan ng Baguio City ng mga gintong medalya ay sa wushu (10), muay thai (10), karatedo (3), taekwondo (2) at arnis (3).

Inungusan ng Baguio City para sa overall title ang Cebu City, nakahugot ng walong ginto kay archer Aldrener Igot Jr., sa kanilang 34-34-29 (gold-silver-bronze) harvest.

Nasa Top Five ang Davao City (31-24-37), Laguna (27-24-18) at Quezon City (25-25-23).

Bilang kampeon ay tumanggap ang Baguio City ng P3 milyong halaga ng sports equipment mula sa Philippine Sports Commission.

Ang No. 2 hanggang No. 5 teams ay binigyan naman ng P2.5M, P2M, P1.5M at P1M halaga ng sports equipment, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, isinulong ni Jerlyn Mae San Diego ng Dasmariñas City ang kanyang ikatlong gold medal matapos magreyna sa girls’ 13-15 blitz event ng chess competition.

Nauna nang nagwagi ang 14-anyos na si San Diego sa girls’ rapid at premier standard events.

vuukle comment

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with