^

PSN Palaro

Davao Cocolife natakasan ang Cebu Sharks sa MPBL

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagposte ng mga panalo ang reigning Southern Division champion Davao Occidental Tigers at Pasay Voyagers laban sa kanilang mga karibal sa MPBL Lakan Season kamakalawa ng gabi.

Sinagpang ng Tigers ang Cebu Sharks, 65-61 para sa kanilang pang-walong sunod na panalo sa torneo.

Iniskor ni Joseph Terso ang huling walong puntos ng Davao Occidental ni team owner Claudine Bautista na supoprtado nina Cocolife president Atty. Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronauillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque, sa fourth quarter patungo sa pagtatala ng kanilang ika-10 panalo sa 11 laro para patuloy na solohin ang liderato sa South Division.

 Ang three-point shot ni Terso sa huling 1:25 minuto ng fourth period ang nagdikit sa Tigers sa 60-61 agwat na sinundan niya ng isa pang triple para ungusan ang Sharks, 63-61 sa torneong itinatag ni Senator Manny Pacquiao katuwang si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes bilang Commissioner.

Magaang namang tinalo ng Pasay ang kulelat na SOCCSKSARGEN, 70-54 para sa kanilang pang-apat na dikit na ratsada at umakyat sa No. 6 sa Northern Division.

Pinaganda ng Voya-gers ang kanilang kartada sa 7-5 kasabay ng pagpapalasap sa Marlins ng kanilang ika-11 sunod na kamalasan.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with