^

PSN Palaro

Wala nang makakahabol sa Baguio City

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan -- Kung wala nang mahahakot na medalya ang kanilang mga karibal ay inaasahan nang magiging matagumpay ang pagdedepensa ng Baguio City sa kanilang korona.

Kumolekta ang Baguio City ng 48 gold, 36 silver at 51 bronze medals kahapon bago ang pagtatapos ng 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy National Championships dito.

Humakot ang 2018 champions ng 14 gintong medalya sa wushu event para patibayin ang tsansa sa overall title ng national event para sa mga batang may edad 15-anyos pababa.

May mga hinihintay pang resulta ang Baguio City sa archery, boxing, taekwondo, judo at wrestling events.

Iniwanan ng Baguio City sa medal standings ang Cebu City na may 27 gold, 22 silver at 29 bronze medals kasunod ang Quezon City (22-22-21), Davao City (21-23-22) at Pasig City (18-19-16).

Tatanggap ng cash incentives ang top five LGUs sa nasabing kompetisyon mula sa PSC kung saan P3 milyon ang makukuha ng magiging kampeon.

Samantala, tinudla ni archer Aldrener Igot ng Cebu City ang kanyang pang-walong gintong medalya matapos dominahin ang boys’ team event at mixed team event.

Ito ay idinagdag ng 14-anyos na si Igot sa mga nauna niyang panalo sa Olympic round, 40m, 50m, FITA, 20m at 30m.

Ginamit namang ins-pirasyon ni Zion Daraliay ng Tuguegarao City ang kanyang yumaong katapid na si Rastafari para kunin ang tatlong gold medals sa wushu event sa Holy Trinity University.

Nagwagi si Zion sa female san lu quan, joan shu at qiang shu events.

vuukle comment

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with