^

PSN Palaro

Cheerleader

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Sasabak na ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa China.

Sa Foshan ang laro — kung saan man ‘yun. Italy ang una natin kalaban sa Sabado, then Serbia sa Lunes at Angola sa Miyerkules.

Kailangan natin ng dalawang panalo para umabot sa next round. Kung sino ang tatalunin, bahala na si Batman. No. 4 sa mundo ang Serbia, No. 14 ang Italy at No. 39 ang Angola. Nasa No. 31 ang Pilipinas.

Kaya kung iisipin mo, malaki ang tsansa natin sa Angola. Si coach Yeng Guiao naman, nasa Italy daw ang focus nila dahil posible rin natin talunin.  Ang Serbia?  ‘Wag ka na umasa.

Ganyan ang pananaw ni President Duterte, na nagsabi nang wala tayong tsansa sa World Cup.

“Wala, talo tayo, walang laban,” sabi ni Digong.

“Angola, pwede natin ilibing ng buhay,” dagdag pa niya.

Pero hindi ibig sabihin ay walang tiwala si Digong sa players natin. In fact, manonood siya ng game ng Gilas kontra Italy sa Sabado. Oo, nasa ringside si Presidente. Cheerleader ang dating niya.

Sinabi ng Malacañang spokesman na challenge para sa Gilas ang pananaw ng Presidente at kung kaya nilang patunayan na mali siya eh gawin na lang nila.

Basta, ‘yun ang challenge ni Digong sa Gilas.

Tama man o mali.

vuukle comment

FIBA WORLD CUP

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with